Ililipat na ngayong araw, ang kasong graft ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court patungo sa Valenzuela City Regional trial Court.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, walang hurisdiksyon ang Capas Court sa nasabing usapin kaya kinailangan itong mailipat.
Ito’y kahit una nang nag-issue ang Tarlac Regional Trial Court Branch 109 ng arrest warrant kay Guo para sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantala, ang Interior Department ay naghain din ng kaso para sa alegasyong ginamit ni Guo ang kaniyang kapangyarihan noong mayor pa siya para maglabas ng mayor’s permit para maging legal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.
Gayunman, mananatili ang kostudiya ng pagkakakulong ni Guo sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.