-- Advertisements --

Ibinasura na ng federal judge ang kasong kriminal laban kay New York City Mayor Eric Adams.

Ang nasabing anunsiyo ay ilang linggo matapos na atasan ng administrasyon ni US President Donald Trump ang prosecutors na ibasura ang lahat ng mga corruption case ng alkalde.

Dahil din sa nasabing hakbang ay nagbitiw ang mga matataas na opisyal ng federal prosecutors na nag-akusa kay Adams na nakipagkasundo ito kay Trump na ibasura ang kaso kapalit ng pagpapatupad ng immigration law.

Ayon sa Manhattan judge na ibinasura na ang kaso “with prejudice” na ang ibig sabihin ay hindi maaring isampa pa muli ng Department of Justice (DOJ) ang nasabing kaso laban kay Adams.

Magugunitang una ng itinanggi ni Adams ang mga kasong isinampa sa kaniya gaya ng conspiracy fraud, soliciting illegal campaign contributions at bribery.

Noong Setyembre ng inakusahan si Adams na tumanggap ng mahigit $100,000 mula sa Turkish citizens kapalit ng isang pabor.

Pero noong Pebrero ng inatasanni deputy attorney general Emil Bove na isang appointee ni Trump ang New York prosecutor na ibasura ang lahat ng kaso kay Adams.