-- Advertisements --

Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga Katoliko na magnilay-nilay at manalangin ngayong Holy Week.

Hinikayat din nito ang mga Katoliko na makibahagi sa mga aktibidad ng Simbahan ngayong Lenten season.

“I hope this Holy Week, they join the activities in their parishes and they enter into the spirit of reflection and prayer,” ani Pabillo.

Iginiit ni Pabillo na ang Holy Weeks sa Philippine Catholicism ay isa sa mga maituturing na highest points, sa religious culture ng bansa.

Subalit may ilan aniya na sa halip na manalangin at makibahagi sa mga aktibidad ng Simbahan ay pinipiling bumiyahe sa iba’t ibang lugar para sa anumang recreaction katulad na lamang sa mga tanyag na beach sa bansa.