ILOILO CITY – Nagtitiis na lang sa live streaning ang mga Katoliko sa Singapore para lang makapagsimba dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Mercy Cacan, sinabi nito na karamihan sa mga malalaking simbahan sa Singapore ay Roman Catholic at Christian Church.
Ayon kay Cacan, ang misa at pati na rin ang lahat ng Christian services ay idinadaan na lang sa on-line o live streaming.
Inihayag ni Cacan na ang nasabing hakbang ay isang paraan upang hindi na madagdagan ang mga pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Sa kabila ng COVID-19 scare, sinabi ng Ilongga Overseas Filipino Worker na maituturing pa rin na normal ang sitwasyon sa Singapore ngunit iniiwasan ng karamihan na lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.