-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Sa halip na sa Linggo ay noong Biyernes isinagawa ang misa ng Palaspas ng mga Katolikong overseas Filipino workers (OFWs) sa Tripoli, Libya
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Louisito Batuon Jaramillo, manggagawa sa isang oil company sa Tripoli at chairman ng OFW community organization sa Libya, dahil humupa ang kaguluhan sa Tripoli noong Biyernes ay isinagawa na lamang ang misa ng palaspas sa Saint Francis Catholic Church.
Sinabi pa ni Jaramillo na sabay-sabay na ipinalangin ng mga OFW’s na matapos na ang kaguluhan at maging tahimik na ang bansang Libya.
Inihayag pa ni Jaramillo na sa 36 taong paninirahan niya sa Libya ay napansin niyang mababait ang mga Libyans.