KALIBO, Aklan – Target ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) na gawing agri-tourism area ang bahagi ng lupang ibinigay sa mga katutubong Aeta na miyembro ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) noong nakaraang taon.
Ayon kay DAR Western Visayas Regional Director Stephen Leonidas na pinag-aaralan na kung paanong ma-develop ang mahigit sa tatlong ektaryang lupa.
Balak ng tanggapan na turuan ang mga katutubo nang pagtatanim ng gulay na in demand sa isla.
Ito ay dahil halos 90 porsiyento aniya ng mga kinakailangang supply na gulay ng mga hotels sa isla ay nagmumula sa labas ng Boracay.
Isa pa sa kanilang balak gawin ay maturuan ang mga Aeta ng salitang Mandarin at Korean upang mapadali ang pakikipag-usap sa mga turista.
Maliban sa pag-promote umano ng turismo sa isla ay mabibigyan pa ng kabuhayan ang mga katutubo.