CENTRAL MINDANAO-Namulat na sa katotohanan at gustong mamuhay ng mapayapa ng 15 mga myembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Reynaldo Felestino na umaabot sa 15 na mga NPA sa ilalim ng Platoon Cherry Mobile ng Guerilla Front Commuttee 73 ay sumuko sa militar at pulisya.
Karamihan sa mga rebelde ay mga katutubo na kumikilos sa mga bayan ng Kalamansig,Lebak,Palimbang at Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.
Ang mga NPA na sumuko ay pormal na tinanggap nina Sultan Kudarat police Provincial director Colonel Reynaldo Celestino, Police Mobile Force 12 commander Lt. Colonel Barney Condes, Marine Brig. Gen. Eugenio Hernandez, commander 1st Marine Brigade at Lebak Mayor Dionesio Besana.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang M16 Armalite rifle,isang Caliber.30 Garand Rifle, dalawang M14 Rifles,isang homemade rifle,isang 12 guage shotgun,dalawang kalibre.45 na pistola,isang homemade Ingram machine pistol ,dalawang M-79 grenade launchers at mga bala.
Kinomperma naman ni PNP-12 Regional Director Bregadier General Eliseo Tam Rasco na makakatatanggap ng livelihood assistance at tulong na pinansyal ang mga NPA sa ilalim ng Expanded Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng administrasyong Duterte.
Nanawagan naman si 6th ID Chief,Major General Cirilito Sobejana sa mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mahal na pamilya.