DAVAO CITY – Di umano kinikilala grupong Federal Tribal Government of The Philippines na nagbigay ng taning na 72 oras sa pamahalaan ubang ibalik ang operayon ng Kapa Ministry Community International Inc.
Sa abiso mula sa National Commission on Indigenous People (NCIP) XI inihayag nito na di konektado ang nasabing grupo sa naturang ahensiya.
Paglilinaw pa ng NCIP-XI na kinikilala lamang bilang isang miyembro ng tribong Blaan si Fulong Douglas Mangcal at di bilang isang tribal leader.
Matatandaan na si Mangcal ang nanguna sa Federal Tribal Government of The Philippinesn sa Matanao, Davao del Sur na nagsagawa ng ritwal at sumulat sa Korte Suprema upang bigyan lamang ng 72 oras ang pamahalaan upang alisin ang lahat na kasong isinampa laban sa Kapa at payagang ipagpatuloy ang operayon ng KAPA.