-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sa adhikaing maipatupad ang tunay na adbokasiya ng Serbisyong Totoo sa lalawigan ng Cotabato, isang memorandum order ang nilagdaan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na nagbabawal sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan na tumanggap ng honoraria kung ito ay maimbitahan bilang resource speaker sa isasagawang training o seminar ng mga lokal na pamahalaan.
Naniniwala si Governor Mendoza na parte ng kanilang tungkulin bilang mga kawani ng pamahalaan ang magbahagi ng kaalaman at mahahalagang impormasyon para sa ikabubuti ng mamamayan at ikauunlad ng lalawigan ng Cotabato.