-- Advertisements --
image 425

Nagsama-sama ang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Reources Central office upang maglinis sa mga estero at iba pang bahagi ng katubigan sa Navotas.

Ito ay kasabay ng selebration ng International Coastal Cleanup Day ngayong araw.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Public Information chief Nazario Briguera, nakasama nila ang ibat ibang mga ahensiya sa naturang paglilinis, at pagpupulot ng basura.

Pinakamarami aniya sa kanilang mga napulot ay ang mga naikalat na plastic na sumadsad sa mga estero at umabot pa sa mga karagatan sa naturang lugar.

Paliwanag ng opisyal, nauna na rin nilang naatasan ang iba pang opisina ng BFAR, at lahat ng mga ito ay nakibahagi rin sa naturang paglilinis.

Ayon kay Briguera, napakahalaga ang ginagawang paglilinis sa mga estero, kailugan at mga karagatan, upang matiyak ang kalinisan ng mga ito, at hindi mapuno ng mga basura, lalo na ang mga hindi nabubulok na basura.

Ayon kay Briguera, marami sa mga basura ang napapabayaan lamang na umaabot sa mga karagatan at nagdudulot ng polusyon sa mga ito, na silang nakakasira sa marine ecosystem ng bansa.

Nagiging banta rin ito aniya sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Ngayong taon, ang tema ng paglilinis ay: ang kalinisan ng ating karagatan ay pangangalaga sa ating pangisdaan