CAUAYAN CITY- Isinailalim sa hepatitis test ang mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Santiago City para sa proteksiyon ng kanilang kalusugan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Mario De Guzman, City Environment and Natural Resources Officer ng Santiago City, ibinahagi nito na matapos na isailalim sa rapid test ang mga kawani ng nasabing tanggapan ay isinailalim din sila sa hepatitis test at negatibo ang naging resulta.
Sinabi ni G. De Guzman na para mapanatili ang magandang kalusugan ng kanilang mga kawani pangunahin na ang mga nasa field ay patuloy ang pagbibigay o pamamahagi ng PPE’s laban sa COVID-19 maging ang mga raincoats na pananggalang sa ulan.
Ayon kay G. De Guzman, ayaw niyang magkahawaan sa loob ng kanilang tanggapan dahil maaring magdulot ng pagtigil sa pangungulekta nila ng mga basura sa lungsod.