CENTRAL MINDANAO-Bagamat hindi katulad ng dati kung magkaroon ng aktibidad ang bayan ng Kabacan Cotabato, ipinakita pa rin ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang pagsaludo nito sa mga kawani ng pamahalaan na naglaan ng kanilang serbisyo sa bayan.
Sa mensahe ng alkalde, kanyang hinikayat ang bawat isa na tularan ang mga kawaning inilaan ang kanilang sarili sa serbisyo publiko at para sa bayan.
Aniya, hindi matutumbasan ang bawat servisyo ng mga kawani lalo pa’t nasa gitna ng pandemya ang mundo na kung susumahin, sila ay isa ring frontliner na nag-aabot ng agarang tulong o serbisyo.
Sa mensahe naman ni HRMO V Grace Martinez Ullo na kung saan natatanging 40years in government service, pinayuhan nito ang bawat isa na ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang trabaho at tanggapin ang bawat hamon dahil aniya, hindi magbibigay ng trabahong mahirap ang isang pinuno kung alam nitong kaya itong gawin.
Samantala, kasabay ng nasabing aktibidad ay nagpaalam na rinsa serbisyo si RHU Nurse III Helen Condes. Aniya, nais pa nitong ipagpatuloy ang pagseserbisyo ngunit katawan na nito ang sumuko.
Lubos naman ang pasasalamat nito kay Mayor Guzman matapos na ipakita nito ang suporta sa mga kawani ng Rural Health Unit ng bayan.