-- Advertisements --
Nakasalamuha ni Pope Francis sa Vatican ang mahigit 100 na komediyante sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Kinabibilangan ito nina Jimmy Fallon, Chris Rock at Whoopi Goldberg.
Ayon sa Santo Papa na ang mga komediyante ay pinag-iisa ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang tawa at ito ay nakakahawa.
Aabot sa 107 na mga komediyante mula sa 15 bansa kung saan pinuri sila ng Santo Papa dahil may taglay na mapangiti ang mga tao.
Isinagawa ng Santo Papa ang pulong sa mga komediyante ilang oras bago ang pagtungo nito sa Puglia sa G7 summit.