KORONADAL CITY – Unti-unti nang sumisiklab ang mga kilos protesta sa ilang mga estado sa Amerika matapos ang kontrobersyal na halalan sa pagitan
nina President Donald Trump at challenger na si Joe Biden.
Ayon kay Bombo international correspondent Maricel Tomaszewski sa Chicago, Illinois, nagtipon ang mga raliyesta sa Daily Plaza building at ipinapanawagan ng mga pro-Biden supporters ang pagpapatuloy sa pagbilang ng mga boto at idinedemanda ang pagbaba na sa pwesto ni Trump.
Ayon naman kay Bombo international correspondent Jelin Dohina Asamoah sa bahagi ng New York, naging marahas na umano ang demonstrasyon doon kung saan sinusunog na ng ilang mga raliyesta ang mga kagamitan habang isinisigaw ang “Count Every Vote” at “Trump Out”.
Samantala, inaasahang mamayang gabi o bukas ng madaling araw oras sa Pilipinas malalaman na ang resulta ng halalan sa estado ng Nevada.