CAUAYAN CITY- Sakay ng flight na galing sa Doha, Qatar ang 4 na pasaherong infected ng Omicron variant na naitala sa Australia..
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Pinoy Nurse Denmark Suede ng Sydney, Australia ang flight mula Doha, Qatar ay mayroong 260 na pasahero at sa nasabing bilang ay labing apat ang natukoy na infected ng COVID-19 kabilang ang apat na pasaherong kinapitan ng Omicron variants.
Ang apat na infected ng Omicron variant ay fully vaccinated.
Sinabi ni Ginoong Suede na mga tinamaan ng Omicron variant na pawang nasa mild condition ay masusing minomonitor sa hotel na pinondohan ng Australian Government.
Inihayag pa ni Ginoong Suede na puspusan ngayon ang ginagawang contact tracing dahil ang isa sa mga nagpositibo sa Omicron variant ay nagtungo pa sa maraming mall upang mag-shopping.