-- Advertisements --
cbcp

ILOILO CITY – Magsisimula na ngayong araw ang 2nd International Youth Catechism Congress sa lungsod ng Iloilo na inorganisa ng YouCat Philippines upang tugunan ang kahilingan ng simbahang Katolika sa ebanghelisasyon sa Year of the Youth.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, director ng Commission on Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na 1,119 na mga partisipante ang makikilahok sa nasabing aktibidad mula sa 31 foreign countries sa Asya, Africa at Europa.

Pahayag pa ni Colada, bahagi ng aktibidad ng YouCat Congress na pag-usapan ang mga isyu katulad ng depression at suicide, drug addiction at alcoholism, sexuality at domestic violence, generation gap, fake news, pornography at social hermit.

May gaganapin ding misa ang Apostolic Nuncio to the Philippines, Most Rev. Gabriele Giordano Caccia, na highlight sa 2nd International Youth Catechism Congress.

Napag-alaman na ang YouCat Congress ay tatagal hanggang Nobyembre 10.