-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nasa mahigit 17 milyong inaheng manok ang kinatay nationwide sa Japan.
Ito ay kasunod sa Bird Flu outbreak upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa iba pang poultry farm.

Kaugnay nito, inihayag ni Bombo International Correspondent Josel Palma ng Tokyo, Japan na kinukulang na ang lupain na malibngan ng mga kinatay na manok para sa tamang pagdispose nito upang hindi macontaminate ang water supply sa mga rehiyon.

Sa kabuuang 37 prefectures ang mayroon sa Japan ay 26 prefecture ang tinamaan ng Bird Flu kung saan, 16 prefecture ang lubusang naapektuhan na naubos halos lahat na mga alagang manok ng mga poultry raisers.

Dagdag pa ni Palma na bilang resulta ay doble ang itinaas ng presyo ng manok at itlog sa mga pamilihan kung kaya’t ilang mga kilalang fastfood chain ay nagpull-out ng menu na may manok at 28% ng mga restaurants ang nagpull-out din ng 15 recipes nila na ginagamitan ng sahog na itlog.

Sa kasalukuyan ay puspusan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Japan upang matugunan ang kinakaraharap na malaking problema.