LAOAG CITY – Kinansela ang mga klase at flights sa bansang Israel matapos maglunsad ng drone at missile attack ang Iran bilang pagganti sa umano’y pag-atake ng Israeli sa Iranian diplomatic complex sa Syria, noong gabi ng Sabado, Abril 13.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Jovelle Agonoy mula sa Jerusalem, Israel, ay nagbabala ang gobiyerno sa bansa na hindi pa rin sila pinapayagang makilahok sa mga pagtitipon at sa pati na rin sa gabi ay hindi sila pinapayagang lumabas upang maprotektahan ang mg aito sa mga missiles at drone attacks.
Gayunpaman, ay maaari naman silang lumabas upang bumili ng pagkain at inumin para sa kanilang mga tahanan.
Aniya, na may mga nakapasok na missiles at drones sa Jordan, Dead Sea habang walang nakapasok sa Jerusalem dahil sa nakaharang na iron dome.
Sa nakuhang impormasyon nito, tila umiinit ang hidwaan ng Israel at Iran kung saan makikita sa ibang siudad ng naturang bansa ay makikita na tila mistulang paputok ang istura ng nagsisiliparang drone at missiles.
Samantala, ipinaalam niya na walang nasugatan na mga Overseas Filipino sa nasabing tensyon na namamagitan sa Israel at Iran.