DAVAO CITY – Naglabas na ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Davao de Oro dahil sa mga pag-ulan na nararanasan simula kahapon dahil sa epekto ng shearline.
Ayon sa anunsyo ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga, suspendido ang klase at trabaho sa mga munisipalidad ng Compostela, Mawab at New Bataan.
Habang walang klase sa mga lugar ng Mabini, Nabunturan, Montevista, Monkayo ββββat Maragusan.
Inihayag din ng Davao de Oro LGU sa mga Municipal LGU na magbibigay sila ng advisory para sa pansamantalang suspensiyon ng mga klase at trabaho sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan.
Gayunpaman, nananatiling bukas ang kapitolyo ng probinsiya ngayon.
Pinakikilos na ngayon ang pwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices sa lalawigan para sa rescue operation.
Sa kabilang banda, naganap ang landslide sa isang bahagi ng Puting Bato, Brgy. Ngan, Compostela, Davao de Oro mula sa mga pag-ulan kahapon, kung saan na-stranded ang maraming motorista sa lugar.
Naranasan din ang mabilis na daloy ng tubig sa mga lugar malapit sa Mt. Diwawal. Samantala, nagsagawa ng forced evacuation ang barangay ng Nuevo Iloco at Andili sa Mawab, Davao De Oro.
Kasalukuyang binabantayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang sitwasyon sa marami pang lugar sa Davao de Oro.
Habang dito sa lungsod, itinaas ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office ang Code Red kung nasa critical level ang Bunawan River dahil sa pagtaas ng tubig baha.
Batay dito, inalerto na ng BDRRMC Bunawan ang mga nakatira malapit sa Bunawan River na sumunod sa pre-emptive evacuation.
Habang nasa warning level naman ang Talomo River sa Brgy. Tamang Tugma; at Code Yellow kung alert level sa Davao River sa Brgy. Tamugan.
Ang natitirang mga ilog ng lungsod ay nananatili sa ligtas at normal na antas.
Habang sinuspende naman ang lahat ng klase sa lahat nga antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Davao City.
Subalit, pagsasaayos ng Work-From-Home ay dapat pagtibayin sa lahat ng national at lokal government, kabilang ang mga korporasyong pagmamay-ari at kontrolado ng gobyerno sa Davao City.
Maliban sa mga tanggapan na nagsasagawa ng kaligtasan at seguridad, kalusugan, serbisyong panlipunan at mga serbisyo sa pagtugon sa kalamidad at emerhensiya.
Ang mga pribadong opisina at establisyimento ay binibigyan ng pagpapasya na suspindihin ang trabaho o magpatibay ng mga kaayusan sa WFH ngunit hinihikayat na gawin ito para sa kaligtasan at kaginhawahan ng kanilang mga empleyado.