-- Advertisements --
Sinuspinde muli ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila bukas, araw ng Biyernes, dulot ng bagyong Ulysses.
Pahayag ito ni Domagoso sa kanyang situation report sa lungsod ng Maynila sa social media ngayong araw.
Kasabay nito, muling nagpaalala ang alkalde sa mga Manilenyo na manatili sa kani-kanilang bahay sakaling wala namang mahalagang gagawin.
Manatili aniyang hintayin at alamin ang mga abiso na ilalabas ng lokal na pamahalaang lungsod para sa mga residente ng siyudad.