-- Advertisements --

Sinimulan na ng Senate leadership na pag-usapan ang pagtatalaga sa komite ng mga magiging bagong miyembro ng kapulungan.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, maaaring mapunta kay dating Sec. Bong Go ang Senate committee on health.

Handa namang ibigay ni Sen. Panfilo Lacson kay dating PNP Chief Ronald dela Rosa ang pamumuno sa Senate committee on public order and dangerous drugs.

Habang si Sen. Sonny Angara na kasalukuyang vice chairman ng finance committee ay aakyat bilang chairman nito.

Mananatili pa rin sa committee on agriculture and food at environment committee ang nangunguna sa bilangan na si Sen. Cynthia Villar.

Hindi pa masabi ni Zubiri ang magiging pagbabago sa ibang lupon dahil wala pa aniyang pinal na desisyon ukol sa mga iyon.

Dahil sa inaasahang pagpasok ng mga bagong mambabatas, magkakaroon na ang Senado ng 20 majority members at apat naman ang minority senators.