-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng ilang mga kompanya ng langis ang bawas singil sa presyo ng petrolyo na ipapatupad simula bukas, Nov. 19.

Magsisimula ang bawas singil ng ala-6 ng umaga, araw ng Martes kung saan ipapatupad ang P0.85 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang sa kada litro ng diesel ay P0.75, at asahan rin ang bawas singil sa Kerosine na P0.90 kada litro.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbawas ng mga presyo ng produktong petrolyo ay dahil daw sa paghina ng demand at ang bagong plano ng China na palakasin ang ekonomiya nito.