-- Advertisements --
House Speaker alan cayetano
Speaker Cayetano

Magbibigay na rin ng tulong ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa mga biktima ng serye ng malalakas na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, nagsimula nang magpaikot si Deputy Speaker for Finance LRay Villafuerte ng text message para humingi ng donasyon sa mga kongresista.

Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na may nasa 90 kongresista na ang nagbigay ng kanilang donasyon sa iba’t ibang halaga.

Nag-iikot na rin aniya ang kanyang mga staff kasama sina Sen. Francis Tolentino at ang mga taga-DSWD para alamin kung anong mga tulong ang kakailangan ng mga biktima ng lindol.

Samantala, inirekomenda na rin aniya ni Disaster Management Committee Chairman Lucy Torres-Gomez ang paglikha ng Congress rehabilitatio plan dahil marami na ang nakatutok sa relief efforts.

Dahil nariyan na aniya ang mga LGUs, mga first responders at rescue teams para tutukan ang mga pangunahing kailangan na aid at relief para sa mga biktima ng lindol, mas mainam na tututok na lamang ang Kamara sa rehabilitasyon ng mga lugar na lubhang apektado ng lindol.