Mariing pinabulaanan ngayon ni PBA Partylist Rep. Jericho “Koko” Nograles ang mga chismis nga merong nilulutong na kudeta sa kamara laban kay House Speaker Allan Peter Cayetano.
Una na kasing kinumpirma ni Cayetano na mayroong pagtatangkang patalsikin sya bilang house speaker, kung saan tahasang inakusahan nito si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nagpapalapad umano ng papel sa mga kapwa nila kongresista at nag-alok ng budget allocation at committee chairmanships, bagay na pinabulaanan ito ni Congressman Koko Nograles .
Ayon kay Nograles, hindi niya alam kung saan at ano ang naging basehan ni Cayetano sa mga umuugong na tsismis na kahit si Buhay Partylist Lito Atienza umano ay walang nakikitang kudeta sa loob ng kamara at kung meron man, walang kaugnayan nito si Cong. Velasco dahil iginagalang anya ang kanilang kasunduan sa term sharing agreement ni Speaker Cayetano kung saan nakatutok lamang umano si Velasco sa kaniyang trabaho bilang Chairman sa Committee on Energy sa kamara.
Dagdag pa ni Nograles na hindi nakiki-alam ang pangulo sa panloob na usapin sa Kamara kasi wala namang katotohanan ang nagaganap umano na kudeta sa kamara.