Kailangang maghigpit ng sinturon ang mga konsumer sa Luzon dahil sa nakaambang umento sa singil sa kuryente.
Ito ay matapos na maghain ng rate adjustment ang nasa 48 power distribution facilities habang nasa 20 pa ang nakatakdang maghain din ng kanilang aplikasyon.
Sa Meralco, humihiling ito ng approval ng Energy Regulatory Commission (ERC) para makolekta ang P7.9 billion sa under-recoveries.
Kapag naaprubahan, ito ay mangangailangan ng pagkolekta ng 22 centavos sa bawat kilowatt-hour na nakokonsumong kuryentye sa loob ng isang taon.
Saad naman ng ERC na kanilang masusing i-evaluate ang mga aplikasyon.
Nagpaalal naman ang regulatory agency sa 20 DUs na mabigong magsumite ng kanilang mandated application sa tamang oras.
Una na kasing pinalawig ang deadline para sa mga distribution utilities na nakabase sa Luzon para maghain ng kanilang aplikasyon sa loob ng 60araw o hanggang noong Mayo 30.
Ang mga mabigong magsumite ng requirements sa designated period ay maaaring magresulta sa suspension ng kanilang authoritypara magpataw ng pass-through charges sa mga komokunsumo ng kuryente.