Pinuna ng Vaccine Solidarity Movement ang ilang mga doktor na nagpapakalat ng pekeng balita kaya mayroong ilang tao ang takot na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa grupo na dapat hindi magbigay ng anumang negatibong komento ang ibang mga doktor kung hindi naman nila linya ang nasabing pagpapabakuna.
Hindi aniya sila matatawag na mga doktor o medical experts kung magiging anti-vaxxers ang mga ito.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga takot magpabakuna laban sa COVID-19 ay nagkakaroon ng kaunting bilang sa pagbabakuna dahil sa problema rin sa suplay ng vaccines.
Ang Vaccine Solidarity Movement ay binubuo ng Philippine Foundation for Vaccination, UP Manila College of Public Health, Philippine Medical Association, Philippine Nurses Association, Philippine Dental Association, Philippine Pharmacists Association, Integrated Midwives Association of the Philippines, CBRC Health Professionals Network, at marketing consulting agency na GeiserMaclang.