Tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga sinundang presidente dahil sa pagpirma sa mga kontrata na umano’y may bahid ng kurapsyon o kaya’y may dalang panganib sa publiko.
Sa isang Miting de Avance sa lungsod ng Davao nitong Biyernes, sinabi ng Pangulong Duterte na hindi niya raw pinilit na ipatupad ang nasabing mga kasunduan sa kanyang pamamahala dahil sa hindi niya raw maatim ang mga ilan sa mga probisyon ng naturang mga kontrata.
Hindi naman ibinulgar ng Punong Ehekutibo kung sino sa dating mga pangulo ang kanyang tinutukoy.
Gayunman, binanggit ng Pangulong Duterte ang isang kasunduang pinasok ng gobyerno sa Manila Gas kung saan mayroon itong bisa hanggang 2077.
Ani Duterte, mayroon umanong probisyon ang kontrata na inaatasan ang pamahalaan na bayaran ang projected income ng kompanya hanggang 2077 sakaling magkaroon ng tapusin nang maaga ang kasunduan.
“There’s a provision there that says if the contract ends before they even get to start, then they won’t be able to continue with the contract until 2077,” wika ni Duterte.
“When it is paid for by the Filipino… If the contract ends by 2040, the profit that they projected to receive until 2077 — that agreement reached some tables already. But we are the ones who are going to pay for the profit that they won’t be able to receive once the contract ends,” dagdag nito.
Ayon pa sa pangulo, wala raw siyang balak gawin sa ganitong uri ng mga kontrata.
“I will be like Poncio Pilato. I will say that I have nothing to do with it, that it did not happen during my term,” anang presidente.
“Corruption is rampant. I told you even before the campaign that the worst corruption cases are up there, not down below here.”