-- Advertisements --
athletes seag closing

Pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara ang hosting ng Pilipinas sa kakatapos lamang na 30th Southeast Asian Games.

Inihain ng Makabayan bloc ang House Resolution 602 na nag-uutos sa House committee on good government and public accountability na imbestigahan, in aid of legislation, ang mga kontrobersiyang lumutang sa paggamit ng pondong inilaan sa biennial sporting event.

“It is the primordial duty of the Congress, in the exercise of its legislative and oversight functions, to ensure that the people’s money was utilized for the benefit of the Filipino people and not wasted due to government inefficiency and corruption,” saad ng Makabayan bloc.

Ang Senado rin ay hinikayat din ni Sen. Panfilo Lacson na ituloy din ang imnbestigasyon kahit nagkampeon ang Pilipinas. 

Inihayag ng senador na dapat ihiwalay ang panalo ng mga atleta sa isyu ng organizing committee. 

Nauna nang inanunsyo ni Ombudsman Samuel Martires na iniimbestigahan na ng kanyang opisina ang mga organizers ng SEA Games 2019, kabilang na ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Magugunita na si House Speaker Alan Peter Cayetano ang ang siyang head ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

Iginiit ni Cayetano na handa siyang harapin ang imbestigasyon na ginagawa ng Ombudsman laban sa kanya at iba pang mga indibidwal mula sa pribadong sektor.

Nabatid na tumaas ng hanggang P5 billion ang pondo ng Philippine Sports Commission para sa hosting ng Pilipinas ng SEA Games.