-- Advertisements --

Kompleto na ang mga koponan na sasabak sa kauna-unahang 3×3 basketball sa Tokyo Olympics.

Kinabibilangan ito ng Poland, Netherlands at Latvia sa mens’ 3×3 habang sa women’s naman ay USA, France at Japan.

Sa womens’ category ay naging unang nakapasok ang France ng talunin ang Japan 15-14 na sinundan ng USA sa score na 21-13 laban sa Spain.

Humabol ang Japan sa huling pagkakataon nang ilampaso ang Spain.

Makakasama ng France, US, Japan ang mga koponan ng China, Russian, Romania at Mongolia na otomatikong kuwalipikado na base na rin sa kanilang FIBA 3×3 Federation Ranking noong Nobyembre 1,2019.

Sa men’s division ay unang nakapasok ang Poland ng talunin ang Latvia sa semifinals 20-18 at sumunod ang Netherlands nang talunin ang France.

Sa huli ay nakapasok ang Latvia ng talunin ang France 21-15.

Dahil dito ay makakasama ng Poland, Netherlands at Latvia ang Serbia, Russia, China at Japan na nakasigurado na sa Tokyo Olympics base na rin sa FIBA 3×3 Federation ranking noong Nobyembre 1, 2019.