Pinabubuksan na ng Supreme Court ang ilang mga korte matapos ianunsyo ng IATF ang ilang mga pagbabago sa protocols.
Sa inilabas ngayon na Administrative Circular ng pinakamataas na hukuman, inatasan nito ang mga first at second level courts, appellate collegiate courts liban lamang sa Supreme Court, mga judicial offices na nasa NCR, mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na inilagay na sa GCQ ay maari nang magbukas.
Gayunman dapat umano ang skeleton force ay nasa 30 percent lamang hanggang 50 percent simula sa darating na Lunes.
Ayon sa Supreme Court, ang mga judges sa mga nabanggit na lugar ay pwede ring magsagawa ng fully remote videoconference hearings.
Ang mga korte naman at judicial offices sa mga lugar na nasa ECQ, MECQ ay mananatili munang nakasara.
Subalit ayon kay Supreme Court chief Justice Alexander Gesmundo, maari pa rin silang makapagsagawa ng virtual hearing o videoconferencing.