CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng Papal Nuncio of the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mga Kristiyano na hindi isantabi ang mga ordinaryong bagay-bagay bagkus pahalagahan ito sa layunin na makita ang tinawag na ‘extra ordinary blessings’ na mangyari sa buhay ng isang tao.
Ito ang ipinaabot na mensahe ni Brown habang pinagbasehan ang isang eksena sa kapanahunan ni Kristo-Hesus na itinakwil ang kanyang pagka-Diyos ng mismong mga kababayan niya sa bayan ng Nazareth dahil hindi pinaniwalaan dahil nagmula lang sa simpleng pamilya.
Sinabi ni Brown na hangga’t patuloy na mapagpataas ang isang tao dahil sa angkin niyang kalagayan sa komunidad,hindi rin nito makikita ang kagandahan o mabuting dulot sa isang bagay na akala ay walang silbi sapagkat napa-simple o ordinaryo.
Magugunitang naparito sa bahagi ng Mindanao ang lahat ng mga arsobispo dahil sa bahagi ng Cagayan de Oro isinagawa ang kanilang ika-128 na plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines simula pa noong nakaraang linggo at tatapusin mismo nitong araw.