-- Advertisements --

Hindi bumilib ang ilan sa mga kritiko ni outgoing United Kingdom Prime Minister Theresa May matapos nitong ibahagi ang kaniyang huling talumpati bilang Prime Minister ng bansa bago ito bumaba sa kaniyang pwesto sa susunod na linggo.

Tinalakay ni May ang kaniyang pag-aalala hinggil sa absolutist politics na unti-unting nagkakaroon ng malaking papel sa ekonomiya ng United Kingdom.

Ayon kay May, ang kawalan daw ng kakayahan na pagsamahin ang prinsipyo at pragmatism ang tila humihila pababa patungo sa maling daan para sa kinabukasan ng kaniyang nasasakupan.

Ngunit ayon sa ilang kritiko nito, tila nawala raw ang kaniyang karakter at katapatan sa kaniyang sinumpaang tungkulin dahil sa kaniyang mga binitawang pahayag.

Hindi na raw sila nagulat na hanggang ngayon ay kulan pa rin si May ng kapasidad sa pagbabahagi ng valuable insights nito sa kaniyang karanasan sa pwesto.