Binanatan ni Team USA coach Gregg Popovich ang mga bumabatikos sa kanilang team makaraang magtapos sa seventh place sa FIBA World Cup.
Ayon kay Popovich, hindi raw kakatuwang isipin na dapat ay mahiya umano sila na hindi na nila nadepensahan ang kanilang korona sa torneyo.
Giit din ni Popovich na wala umanong dapat na sisihin sa kanilang koponan, na ipinakita ang “worst showing” sa isang major event.
“It’s immature, it’s arrogant, and it shows that whoever thinks that doesn’t respect all the other teams in the world and doesn’t respect that these guys did the best they could,” wika ni Popovich.
Pinuri naman ng San Antonio Spurs tactician ang ipinamalas na effort ng kanyang mga bata.
“Their effort was fantastic. They allowed us to coach them,” ani Popovich. “You give people credit for what they did, and that’s it. But it’s not a blame and shame game. That’s ridiculous.”
Pag-uwi ng koponan sa Estados Unidos, agad nilang tututukan ang sari-sarili nilang mga NBA teams.