Inanunsyo ng Korte Suprema na posibleng umabot sa halos 11,000 na mga indibidwal ang inaasahang kukuha ng 2023 Bar examinations.
Batay sa datos na inilabas ng Katataas-taasang Hukuman, tinatayang aabot sa 10,816 candidates ang posibleng kumuha ng naturang pagsusulit.
Mas mataas ito kumpara sa 9,183 na mga examinees na una nang naitala noong nakalipas na taon.
Mula sa naturang bilang ay sinabi ng SC na nasa 5,832 na mga examinees din ang kukuha ng bar exams sa kauna-unahang pagkakataon, habang nasa 4,984 naman na mga examinees ang pawang mga second timer.
Samantala, kaugnay nito ay inanunsyo rin ng naturang korte na magdedeploy ito ng nasa 2,571 na mga Bar personnel sa national headquarters, at 14 na mga local testing centers sa buong Pilipinas.
Habang sa ngayon ay patuloy din ang isinasagawang mahigpit na monitoring ng Office of the Bar chair sa mga feedback ng mga examinees hinggil sa mga anunsyong inilalabas ng SC patungkol sa nasabing Bar exams