-- Advertisements --

Inanunsyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatupad ang ahensya ng isang online system para sa pag-iisyu ng mga guarantee letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Layunin ng digital system na mapabilis ang proseso kung saan maiiwasan na ang paulit-ulit na pagkuha ng mga requirements sa mga pilipinong nag nanais na kumuha ng AICS.

Halimbawa nito ang mga may malalalang sakit na paulit-ulit na lumalapit sa DSWD tulad ng mga nangangailangan ng regular na dialysis, chemotherapy, physical therapy, o may kapansanan, ay hindi na raw kailangang dumaan sa paulit-ulit na interbyu at mag-uupload na lamang aniya ang mga qualified beneficiaries ng kanilang mga dokumento online.

Ayon pa sa ahensya makikinabang ang mga indibidwal na may pangmatagalang pangangailangang medikal dahil hindi na kailangang magpunta nang madalas sa mga tanggapan ng DSWD.

Ang naturang online portal ay bahagi ng mas malawak na plano ng DSWD na i-digitalize ang AICS, upang mas maging accessible ang paghingi ng tulong para sa mga Pilipinong nangangailangan.

Samantala mag-kakaroon muna daw ng pilot implementation para sa online portal bago ito ilunsad sa publiko.