Inihayag ng DENR na wala pang 800 sa 1,000 “obliged enterprises” ang nakapagrehistro na ng kanilang extended producer responsibility (EPR) plans para sa taong 2023.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11898, o ang Act of 2022, dapat irehistro ng mga negosyo ang kanilang mga programa sa pamamahala ng plastic waste sa National Solid Waste Management Commission.
Ang mga obligadong negosyo ay mga kumpanyang may kabuuang asset na higit sa P100 milyon.
Iniaatas din ng nasabing batas ang mga industriya na kolektahin ang 20 porsiyento ng kanilang kabuuang plastic packaging footprint.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, target ng kanilang depatemento na makakuha ng 1000 registration ngunit sa ksalukuyan ay nasa humigit-kumulang 800 pa lamang ang nakarehistro.
Ngunit sinabi ni Leones na ang ilang mga negosyo ay nahaharap sa mga hamon sa pagsunod sa naturang batas, na binabanggit ang kakulangan ng mga technological resources para sa pag-recycle at pag-upcycling ng mg basura.
Gayunpaman, hinimok ng opisyal ng DENR ang mga obligadong negosyo na irehistro ang kanilang mga plano sa Extended producer responsibility upang maiwasan ang anumang kinauukulang mga parusa.