-- Advertisements --
Naghain ng petition ang ilang grupo ng oil companies sa bansa para pigilin ang Department of Energy (DOE) Circular na nag-aatas sa mga kumpanya ng langis na ilabas ang detalye ng kanilang mga price adjusments.
Sa inihain na petition ng Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) na ang nasabing circular ay kumukontra sa napapaloob ng deregulated oil market.
Napapaloob naman sa circular na magiging epektibo ito sa Hunyo 29 na dapat ay abisuhan muna nila ang DOE isang oras bago ang pagpapatupad ng oil adjustments.