Inatasan ng Department of Energy ang mga kompanya ng langis na magtalaga ng mga assistance desk para sa mga bumabyaheng motorista ngayong Semana Santa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na layon ng hakbang na ito na alalayan ang mga motorista sa kanilang biyahe ngayong linggo ng Holy Week at ngayong summer season .
Ito ay makatutulong rin sa oras na magka aberya ang kanilang byahe patungo sa kanilang mga lugar.
Pagbibigay rin ito ng serbisyo ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga customer bukod sa pagbebenta nila ng produkto .
Isa rin itong pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga motorista sa kanilang mga produkto.
Samantala, posibepen naman ang malakihang dagdag singil sa produktong petrolyo bukas ng umaga, Marso 26.