Nakahandang panagutin ng Department of Environment and Natural Resources ang mga kumpanyang hindi makikiisa sa kanilang planong sugpuin ang problema ng plastik sa bansa.
Ito ay alinsunod sa implementasyon ng ipinapatupad ng batas na Extended Producer Responsibility Act of 2022 o EPR law.
Nakasaad kasi dito na dapat makibahagi ang iba’t ibang mga kumpanya, o product manufacturer’s sa layunin ng pag-reduce, reuse at recycle ng mga plastic waste na ibinebenta sa merkado.
Kaya naman, iginiit ni Undersecretary Atty. Jonas R. Leones ng Department of Environment and Natural Resources na papatawanan nila ng sanctions ang mga bigong makasumite ng compliance sa kanila.
Kasabay din nito ang pagbibigay naman nila ng incentives sa mga kumpanya o manufacturers na tumugon naman sa batas na naglalayong maibsan ang krisis ng mga plastik na basura.
‘For those who will not be complying with the EPR, or provision of the EPR then the full sanctions provided by the EPR will be given to them’, ani Undersecretary Atty. Jonas R. Leones ng Department of Environment and Natural Resources.
Pahayag pa niya, bagama’t medyo bago pa ang naturang batas, ipinalawinag niya na ang mga private sectors ay itinuturing na din na plastic producers.
Dahil dito, ang mga industriyang gumagamit ng plastik sa paggawa ng produkto ay responsable din sa pag-divert at pag-recover ng mga plastic waste.