Nasa mahigit 30 milyong Filipino na ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasabing bilang ay mula pa noong Setyembre 9 na nakakumpleto ng kanilang Step 2 registration para sa national Identification (ID) Program.
Ang step 2 registration kasi ay binubuo ng mga biometric information gaya ng fingerprint, iris scan at front-facing photographs at registration cameras.
Umaasa naman ni PSA Undersecretary Dennis S. Mapa na maabot nila ang mapataas ang bilang ng mga kukuha ng national ID ng hanggang 30 milyon.
Nagkaroon lamang ng pagbaba ng nagparehistro noong mga nakaraang mga buwan dahil sa ipinatupad na quarantine restrictions na ipinatupad ng mga local government units (LGU).