-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga kumuha ng housing loan at savings program ng PAG-IBIG FUND.

Sinabi ni PAG-IBIG CEO Acmad Moti na mayroong 81 porsyento ang naitalang pagtaas sa mga kumuha ng modified Pag-IBIG 2 saving (MP2) mula Enero hanggang Abril 2021.

Mula kasi sa dating P4.7 bilyon ay mayroon ng P8.6 bilyon na ito sa nasabing buwan.

Mayroon kasing taunang bigayan ng dividends ng walang anumang buwis.

Kahit aniya ngayong panahon ng pandemiya ay mayroong P27 bilyon ang kanilang naipautang mula Enero hanggang Abril sa mga kumuha ng mga Housing Loan kung saan tumaas ito ng hanggang 64 precents.

Mas mababa kasi aniya ang nasabing interest ng PAG-IBIG kumpara sa mga bangko.