-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Insurance Commission na dumarami na ang mga Pilipino na nagkakainterest na kumuha ng kanilang life insurance.
Ito ay matapos na nagtala sila ng mataas na bilang noong nakaraang taon.
Ayon kay IC chief Reynaldo Regalado, na mayroong pagtaas ng 12.8 percent o katumbas ng P440.39 bilyon ang itinaas ng kabuuang premiums mula life, non-life at mutual benefit associations (MBA) sectors.
Ang nasabing bilang ay mas mataas noong nakaraang 2023 na mayroon lamang P390.39-B.
Umakyat naman sa 16 percent ang net income na mayroong P56.29-B habang ang benefits ay umakyat sa 19 percent o katumbas ng P160.33-B sa pagtatapos ng 2024.
Naniniwala si Regalado na ngayong taon ay muling tataas ang nasabing mga Pilipino na kukuha ng kanilang insurance.