-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinagbabawalan na ng mga local authorities ng Los Angeles county sa California ang kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang mga public places gaya ng malls, parke at iba pa matapos iniulat ang isang suspected case sa kalapit nilang Orange county.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, iniulat ni Corazon Estanilla, na tubong taga-Camiguin province at naninirahan na ngayon sa Los Angeles, California, na sa kabila nito ay hindi pa naman sila pinayuhan na magsuot na ng face mask ngunit hiniling na silang iwasan muna ang mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pakikipaghalubilo sa ibang mga tao.

Partikular na hiniling sa kanila ang ang hindi muna pagpunta ng Orange county sa dahilang marami umano doon ang mga Asyano na prone na madapuan ng nasabing virus.

Habang sa paaralan ng kanyang mga anak, pinayuhan na silang maghugas palagi ng kanilang mga kamay.