Target ng Department of Migrant Workers na maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers na nasawi sa baha sa United Arab Emirates sa mismo o bago ang Abril 27.
Ayon kay DMW OIC USec. Hans Leo Cacdac, prinoproseso na ng Migrant Workers Office ang kailangang mga dokumento para ma-repatriate ang mga labi.
Paliwanag ng opisyal na magpapaso na sa Abril 28 ang bisa ng visit visa ng anak ng isa sa mga namatay na OFW kaya para maiwasan ang anumang komplikasyon target na maiuwi ang labi bago ang Abril 27.
Bago naman mairepatriate ang mga labi, kailangan muna na makapag-secure ng police at forensic reports, no objection certificate at death certificate mula sa Konsulada ng Pilipinas.
Samantala, naiturn-over na sa mga kamag-anak ng 2 sa mga biktima sa Dubai ang kanilang mga personal belongings at natanggap na rin ang unpaid salary at leave credits ng nasawing OFWs.