Inaasahang maiuuwi na dito sa Pilipinas ngayong araw ng Lunes ang mga labi ng 3 overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa nasunog na residential building sa Mangaf city, Kuwait noong nakaraang linggo.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang repatriation sa mga labi ng 3 nasawing OFWs.
Kung matatandaan nasawi ang 3 Pinoy workers dahil sa smoke inhalation.
Kabilang ang mga ito sa grupo ng OFWs na nagtratrabaho sa isang Kuwaiti construction company.
Samantala, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac nasa ligtas na kalagayan ang 6 pa na OFWs at nakatakdang ma-repatriate habang ang 2 naman ay nagrerekober pa sa ospital.
Base naman sa inisyal na imbestigasyon ng lokal na awtoridad sa Kuwait, short circuit ang itinuturong pinagmulan ng sunog sa naturang dormitoryo.