-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Narekober na ang huling tatlong bangkay ng mga minero na nalibing nang buhay sa loob ng hinukay nilang tunnel matapos ang mudslide sa Brgy. Casting, bayan ng Marihatag, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong poanayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gerry Avila, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa nasabing bayan, nitong Sabado ng hapon lang naiahon ng mga rescuers at divers ang huling tatlong minero.
Kinilala ang mga ito na sina Menard de Jesus, Angelito Sicup at Leo Reyes.
Dahil coordinated na ang operasyon, sinabi ni Avila na madali na lamang naidala sa punerarya ang mga bangkay.