Ibinunyag ng isang forensic pathologist na hindi sinuri nang maayos ng Philippine National Police (PNP) at Public Attorney’s Office (PAO) ang mga labi ng biktima ng drug war na si Kian Delos Santos.
Sa isang press conference, binanggit ni Dr. Raquel Fortun ang mga bagong natuklasan matapos muling suriin ang bangkay ng 17-anyos na batang lalaki na pinatay noong 2017 ng mga pulis sa kasagsagan ng Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte.
Binatikos ng forensic expert ang ulat ng Philippine National Police, sinabing ito ay masyadong minadali at halos walang impormasyon na makukuha tungkol dito.
Idinagdag niya, ang unang autopsy ay gumawa lamang ng mga surface cut sa katawan ni Delos Santos, na nagpapahiwatig na ang mga labi ay hindi nasuri nang maayos dahil ang mga hiwa ay para lamang sa panlabas na pagsusuri.
Habang ang autopsy ng Public Attorneys Office ay may mga larawan na kung saan naniniwala si Fortun na mababaw din ang kanilang pagsusuri.
Inihayag din ni Fortun na nakakita siya ng mga bala sa ulo ng bikitma sa pamamagitan ng X-Ray.
Ang mga bala na pinaniniwalaan ng eksperto ay maaaring itugma sa baril na ginamit ay hindi naiulat sa mga autopsy na dati nang ginawa ng mga naturang ahensya.