Malamig na mga labi nang makakauwe sa bansa mula sa Kuwait ang isang kababayan nating OFW, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay matapos na kitilin ng nasabing OFW na kinilalang si Gladys Olarte Fong ang kanyang sariling buhay, batay yan sa naging ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III mula kay labor attache Nasser Mustafa.
Asphyxia of compression sa leeg o pagkakabigti o pagkakasakal ang naging dahilan ng pagkamatay ni Fong, ayon sa Ministry of Health.
Kaugnay niyan ay nagpahayag naman ng pakikidalamhati sa naiwang pamilya ni Fong si DOLE Information and Publication Service (IPS) director Rolly Francia.
Kasalukuyan na rin aniyang inaayos ng emloyer nito ang repatriation sa mga labi ng yumaong OFW pagkatapos magsagawa ng imbestigasyon ang criminal investigation department ng bansa.
Noong Martes, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nakita na lamang na walang buhay si Fong sa loob ng kanyang silid sa Al-Salam sa Kuwait City noong March 14 nang tawagin ang pulisya matapos na hindi ito lumabas sa kanyang kwarto noong umaaga nang araw na iyon.Top