-- Advertisements --

Narekober na ng mga otoridad ang bangkay ng dalawang menor de edad naganap na sunog sa Sunday Street, Star Interior, Barangay Poblacion sa Mandaluyong City dakong ala-1:52 kagabi.

Batay sa datos ng Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives at maging ng Bureau of Fire Protection ang biktima ay isang 15-taong gulang na babaeng Grade 10 student.

Kasama rin nitong nasawi ang 6-na taong gulang na lalaking Kinder student.

Ayon sa ina ng biktima, nagmula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay kung saan natutulog ang kaniyang dalawang anak.

Mabilis naman na kumalat ang apoy matapos dahil pawang gawa sa light materials ang naturang bahay.

Umabot din ito sa ikalawang alarma kaya hindi na nagawang masagip pa ang magkapatid na biktima.

Higit 50 kabahayan naman ang nadamay na mga bahay habang 150 na pamilya ang nawalan ng tahanan.

Pansamantala itong nanunuluyan sa community center ng Brgy. Poblacion.

Batay sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog ala-1:52 ng madaling araw.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon upang matukoy ang naging sanhi ng sunog.