-- Advertisements --

Natukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isa sa apat na mga labi na nasawi nang dahil sa deadly wildfire sa Hawaii.

Sa anunsyo ng Maui Police Department, kumpirmadong ito ay ang Pilipinang si Lydia Coloma, 70 taong gulang, na napaulat una nang napaulat na nawawala kasunod ng naturang insidente.

Bago ito ay una na ring kinumpirma ng pamilya ni Coloma na nasangkot ito sa nasabing trahedya matapos ma-trap sa nasabing sunog kasama nag kaniyang asawa na si Salvador, at pito pang iba pang mga kaanak nito.

Samantala, sa ngayon nasa kabuuang 29 na mga Pilipino at Filipino Americans na ang kabilang sa 100 casualties na naitala ng mga otoridad mula sa tinaguriang “most devastating wildfire” sa kasaysayan ng isla ng Hawaii.

Kinabibilangan ito nina:

  • Angelic Quijano Baclig
  • Narciso Baylosis, 67
  • Vanessa Baylosis, 67
  • Luz Bernabe, 65
  • Maurice Buen aka Shadow, 79
  • Lydia Coloma, 70
  • Salvador Coloma, 77
  • Leticia Constantino, 56
  • Marilou Dias, 60
  • Alfredo Galinato, 79
  • Raffy Imperial, 63
  • Buddy Jantoc, 79
  • Joseph Lara, 86
  • Bibiana Tomboc Lutrania, 58
  • Rogelio Mabalot Sr, 68
  • Pablo Pagdilao, 75
  • Felimon Quijano
  • Junmark Geovannie Quijano
  • Eugene Recolizado, 51
  • Justine Recolizado, 11
  • Maria Victoria Recolizado, 51
  • Rodolfo Rocutan, 76
  • Conchita Sagudang, 75
  • Danilo Sagudang, 55
  • Carlo Tobias, 54
  • Reveling Baybayan Tomboc, 81
  • Adela Quijano Villegas, 70
  • Joel Villegas
  • Glenda Yabes, 48